Iminungkahi ng isang mambabatas na isama sa pagtuturo ang media information at responsableng paggamit ng internet sa mga asignatura.
Layon ng House Bill 6634 ni Quezon City Representative Onyx Crisologo na maituro sa mga mag-aaral ang tamang paggamit ng internet at pagsala ng mga impormasyon.
Mainam aniyang maimulat ang mga bata sa kalakaran sa media at kung paano ito bibigyan ng pakahulugan ang bawat impormasyong kanilang mababasa.
Kabilang na rito ang paglinang sa critical thinking at fact checking lalo na at naglipina ang fake news online.