Ang TP Marcelo ice plant and cold storage ang dapat magbayad sa mga naapektuhan ng tumagas na ammonia mula sa planta nito.
Binigyang diin ito sa DWIZ ni Navotas City Mayor Toby Tiangco kasunod nang pagkasawi ng isa katao at halos 100 na ospital dahil sa ammonia leak mula sa nasabing kumpanya na pag-aari ng kanyang ina.
Sinabi ni Tiangco na walang gagastusing public funds sa nasabing insidente at bahala ang kumpanya na magbayad sa mga biktima.
Hindi naman sa tinatalikuran ng local government yung responsibilidad, but ito ay nanggaling sa isang pribadong kumpanya so, I don’t think we can use government resources kasi parang ang panget naman. Ako yung Mayor, tapos kamag-anak ko yung may-ari ng planta tapos gagamitin ko ang government funds para tulungan yung mga tao. Sa pagkakataon na ito hindi kami gagastos ng government fund sana maintindihan, hindi dahil sa ayaw ko, ito ay delicadeza. So, dapat lahat ng gastusin ay sagutin ng pribadong kumpanya. Kaya pati yung hospital, diba libre namang magbigay ng serbisyong hospital but in this case sinabi ko kokompyutin nila lahat ng gastos at singilin doon sa kumpanya. Para lang maliwanag na, not in anyway directly or indirectly magbi-benepisyo ang mga kamag-anak,” ani Tiangco.