Patuloy ang isinasagawang operasyon ng mga otoridad para ilikas sa evacuation sites ang mga residenteng nakatira sa malapit sa coastal area, partikular sa unang distrito ng Davao Oriental.
Kasunod ito ng magnitude 7.4 na lindol kung saan dalawa na ang naiulat na nasawi, kabilang ang isang senior citizen na namatay matapos ma-cardiac arrest dahil sa takot sa malakas na pagyanig, habang ang isa naman ay 54 taong gulang na nasawi matapos matabunan ng gumuhong pader.
Sa ambush interview, sinabi ni Davao Oriental 2nd District Rep. Cheeno Almario na nananatiling naka–high alert ang lalawigan dahil na rin sa posibilidad na magkaroon ng tsunami.
Patuloy din aniya ang monitoring at assessment sa mga pinsalang idinulot ng malakas na lindol.
Nanawagan din ng tulong ang kongresista sa mga ahensya ng gobyerno na tugunan ang pangangailangan ng mga apektado ng lindol.
Nanghihinayang ang kongresista sa mga nasayang na pondo na hindi nailaan sa mga proyektong at programang makakatulong sa bawat komunidad.