Magsisimula ng maramdaman ang mas matinding daloy ng trapiko sa Quezon City, sa gitna ng pagsisimula ng konstruksyon ng North Avenue segment ng MRT-7.
Ayon kay MMDA Assistant-General Manager for Planning Jojo Garcia, simula mamayang alas 6:00 ng gabi ay isasara sa mga motorist ang dalawang lanes ng North Avenue mula Veterans hanggang Agham Road.
Para hindi maipit sa traffic, dahil dito, inaabisuhan ang mga motorista at mananakay na maglaan ng kahit isang oras o higit pa sa kanilang pagbiyahe.
Target ng Department of Transportation na maging operational ang MRT 7 na magdurugtong sa Quezon City at San Jose Del Monte, Bulacan sa taong 2020.