Asahan na ang mas mahabang oras ng pagboto dahil sa implementasyon ng voter registration verification system o VRVS sa May 13 midterm elections.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, karagdagang limang minuto ang posibleng itagal sa buong proseso ng pagboto.
Sa kabila nito, tiniyak ni Jimenez na handa ang poll body sa bahagyang delays dulot ng implementasyon ng VRVS na asahan lamang sa pilot testing sa mga piling polling center.
Ito, anya, ang rason kaya’t sisimulan ng ala 6:00 ng umaga hanggang ala 6:00 ng gabi ang pagboto.
Nasa 35,000 VRVS units ang binili ng COMELEC upang isalang sa pilot testing sa lahat ng polling precincts sa Autonomous Region in Muslim Mindanao, Maynila at Quezon City sa Mayo.