Tiniyak ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na gagawin ng ahensya ang mga hakbanging magpapabilis ng proseso sa mga paliparan at magpapalakas ng operasyon laban sa smuggling.
Kasunod ito nang pag-aalis ng ikalawang QR code scanning sa mga biyahero na walang idineklarang taxable items upang mas mapabilis ang sistema sa mga airport.
Siniguro ng opisyal na hindi malalagay sa alanganin ang seguridad ng publiko dahil lahat ng bagahe ay sumasailalim pa rin sa x-ray inspections, profiling ng intelligence units at pagsusuri ng mga K-9 dogs.
Dahil dito, nahuhuli anya ang mga drug mules at mga nagtatangkang magpuslit ng kontrabando sa bansa.
Samantala, pinayuhan naman ni Commissioner Nepomuceno ang publiko na kilatising mabuti ang mga binibili online upang maiwasan ang kalituhan sa pagbabayad ng buwis matapos ang isyu sa “overpriced tax” ni actress Bella Padilla.