Naniniwala ang ekonomista na si Prof. Astro Del Castillo na makaaapekto sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas ang malawakang rally na isinasagawa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ito, ayon kay Prof. Castillo, ay dahil nawawalan ng kumpiyansa ang mga investor na mamuhunan sa bansa dahil sa kaliwa’t kanang usaping pulitika.
Gayunman, sinabi ng ekonomista na ang isinagawang malawakang kilos-protesta ay pagpapakitang mulat na ang mga Pilipino sa kinakaharap na isyu ng bansa.
Samantala, nanawagan naman si Prof. Castillo sa pamahalaan na paglaanan pa rin ng pondo ang flood control projects sa susunod na taon, kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilipat sa iba pang programa ng pamahalaan ang pondong para sa flood control projects.




