Dumaong sa Maynila ang Independence Variant Littoral Combat Ship USS Charleston.
Ayon sa public affairs ng Command Destroyer Squadron, ang pagbisita ng nasabing barko ay pagpapakita ng malakas na pakikipag-alyansa ng Amerika sa Pilipinas, Military Relationship at pinalakas na ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.
Dahil sa COVID-19 pandemic, contactless ang naging pagbisita ng barko dahil hindi bumaba ang crew habang inaayos ang kanilang supplies.
Ipinabatid ng US Naval Unit na ito ang kauna-unahang Commissioned Us Navy Warship na bumisita sa Pilipinas simula noong 2019.