Isang malaking military exercise ang inilunsad ng Chinese Navy sa gitna ng territorial dispute sa West Philippine Sea.
Ayon sa Chinese Navy, kasama sa military drill ang libu-libong miyembro ng Marine Corps, amphibious forces at Navy helicopter units.
Nag-deploy din ng mga amphibious hovercraft na may kakayahang magkarga ng tatlong malalaking tangke, 10 armored vehicles na may 140 sundalo bawat isa.
Isinagawa ang naval drill isang araw matapos ang 7 oras na surveillance flight ng isang spy plane ng US Pacific Fleet sa Spratly Islands.
By Drew Nacino