Umaray ang malakanyang sa pahayag ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na biktima siya ng political persecution.
Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na natural lamang na gawing depensa ang ganitong naratibo, ngunit hindi aniya natutugunan ni roque ang mga mahahalagang isyu na inilatag laban sa dating opisyal.
Binigyang-diin ni Castro na korte mismo ang naglabas ng valid warrant of arrest laban kay roque kaugnay ng kasong qualified human trafficking.
Bukod dito, ibinunyag din ni Castro na may nakabinbing kaso si roque sa ombudsman mula pa noong 2023 ukol sa diumano’y land grabbing sa bataan.
Sinasabing may 77 magsasaka ang nagsampa ng reklamo laban sa dating tagapagsalita ng Palasyo.—sa panulat ni John Riz Calata