Sinupalpal ng Malacañang ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano na mag-resign ang lahat ng opisyal ng gobyerno at magsagawa ng snap election.
Ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, ito ay “wishful thinking” lamang ng senador at walang basehan.
Giit ng opisyal, abala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtatrabaho para sa bayan, lalo na sa pagtulong sa mga mamamayang naapektuhan ng lindol at bagyo, kaya’t wala aniya siyang oras sa ganitong uri ng pamumulitika.
Dagdag pa ni Usec. Castro, mas makabubuting ituon na lamang ng lahat ang pansin sa mga tunay na pangangailangan ng taumbayan kaysa sa mga pansariling interes lamang.