Dumepensa ang Malakanyang sa pahayag ng kampo ni Vice President Sara Duterte na tila hindi sinusupportahan ng administrasyon ang kanyang mga proyekto at programa.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bukas pa rin ang administrasyon sa anumang makabuluhang suhestyon mula sa Office of the Vice President, at hindi isinasara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pintuan para sa mga panukalang magbibigay benepisyo sa publiko.
Sa katunayan, itinaas pa ng Department of Budget and Management ang inisyal na panukalang pondo ng OVP para sa 2026 sa higit siyam na raan milyon mula sa dating pitong daan at tatlumpung tatlong milyon.
Paliwanag ni Atty. Castro, na hindi madepensahan ng OVP sa Kongreso ang hinihingi nitong pondo para sa 2025 kaya hindi ito na-aprubahan.
Iginigit ng Palasyo, na wala na sa saklaw ng Pangulo ang desisyon ng lehislatura ukol dito.