Aabot sa mahigit P1-B ang nawala sa gobyerno dahil sa mga unreturned advance payments ng mga contractors sa kabila ng mga natapos nang mga proyekto o mga hindi na itinuloy na mga government projects.
Base sa audit report ng Commission on Audit (COA), malinaw na paglabag ito sa probisyong nakapaloob sa government procurement act na nagsasabing dapat na ibalik ng mga kontraktor ang mga ‘di nagamit na pondo para sa mga proyekto ng pamahalaan na nakumpleto na o tuluyan nang itinigil.
Nakasaad sa COA report, na hindi pa naibabalik ang advance payments para sa 530 completed projects at 21 discontinued projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Naitala naman ng COA ang pinakamaraming kaso ng unreturned advance payments sa region 10 na mayroong 128 completed projects, kung saan aabot ito sa mahigit P265-M.