Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaugnay sa Bagyong Paeng.
Ayon kay DSWD Undersecretary Eduardo Punay, naka-preposition na ang 561,259 food packs na nagkakahalagang 352 million pesos.
Aabot din aniya sa 689 million pesos ang iba pang food and non-food items na inihanda ng ahensya.
Sa datos ng PAGASA kaninang umaga, lumakas pa ang Bagyong Paeng habang kumikilos sa ibabaw ng Philippine Sea.