Umabot na sa mahigit 45K ang naitalang kaso ng Dengue sa bansa mula January 1 hanggang June 11, 2022.
Ang nasabing bilang ay mas mataas ng 45% kumpara sa naitalang kaso sa kaparehong panahon noong 2021.
Ayon sa Department of Health, mula Mayo a-15 hanggang Hunyo a-11, ay naitala ang 11,680 kaso ng Dengue.
Pinakamaraming kasong naitala sa nasabing panahon ang Central Luzon, na may 1,742; Central Visayas, 1,496; at Western Visayas, 962.
Samantala, sa 17 rehiyon, 15 ang nalampasan na ang alert o epidemic threshold sa nakalipas na apat na linggo.
Kabilang sa mga rehiyong ito ang Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao region, Soccsksargen, National Capital Region, BARMM, at CAR.
Naitala rin ng DOH ang 217 na nasawi dahil sa dengue, kung saan 39 dito ay naitala noong Enero, 37 noong Pebrero; 34 noong Marso; 45 noong Abril, 58 noong Mayo; at 4 ngayong Hunyo.