Aabot sa mahigit 2,600 mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang pinatawan ng parusa nitong taong 2022.
Ayon kay PNP Public Information Office chief Col. Redrico Maranan, karamihan sa mga Pulis na nahaharap sa parusa ay may mga kasong administratibo matapos masangkot sa ibat-ibang uri ng krimen o iligal na aktibidad.
Batay sa datos ng ahensya, sa kabuoang bilang, 584 ang sinibak sa serbisyo, 164 ang na-demote sa kanilang ranggo, at 1,225 naman ang sinuspinde.
Sa kabila nito, umaasa ang PNP na mas magiging disiplinado ang kanilang mga tauhan matapos patawan ng parusa ang maraming bilang ng mga tiwaling Pulis.