Umabot sa mahigit labing-anim na libong paaralan sa 73 school division ang naapektuhan ng malakas na lindol sa buong lalawigan ng Cebu.
Ito’y batay sa datos ng Department of Education kung saan mahigit dalawang libong mag-aaral ang apektado habang halos isandaan naman sa mga guro.
Sa datos pa ng DepEd, aabot sa 197 silid-aralan ang nagtamo ng minor damage, 26 ang may major damage, at 34 ang tuluyang nawasak sa 11 Schools Division Offices kabilang ang Negros Oriental, Siquijor, Iloilo, Bohol, at Cebu.
Anim na pasilidad sa water, sanitation, and hygiene ang nasira.
Sa kabila nito, wala namang napaulat na nasugatang mag-aaral.