Niyanig ng magnitude 6 na lindol ang hilagang silangang bahagi ng bansang Taiwan kaninang umaga.
Ayon sa Central Weather Bureau ng bansa, naitala ang epicenter ng lindol sa Yilan City na may lalim na 10 kilometers.
Dahil sa lindol ay nawalan ng kuryente ang mahigit 1,000 bahay sa buong Taiwan at ipinatigil muna ang operasyon ng Taiwan railway sa Yilan.
Matapos ang ilang oras ay naitala ang isang aftershock na may magnitude 4.6 sa kaparehong lugar.
Matatandaang ang Taiwan ay nasa ibabaw ng junction ng dalawang techtonic plates kaya madalas itong niyayanig ng lindol.
Sa panulat ni Gene Cruz