Umapela ang World Health Organization (WHO) sa mga lokal na pamahalaan na tiyaking maayos ang kanilang pangangasiwa sa mga healthcare waste.
Ito’y sa harap na rin ng peligrong dulot sa mga santiation worker o basurero mula sa posibleng impeksyong dala ng mga kontaminadong basura na ginagamit ng publiko.
Kasunod nito, nagpaalala ang who sa publiko na ugaliing itapon ng maayos ang mga ginagamit na single-use medical mask sa basurahang may takip at huwag hayaang nakakalat kung saan-saan.
Sa panahong ito ng pandemya, binigyang diin ng who na mas higit na kinakailangan ang doble o tripleng kalinisan upang makatulong na malinis ang kalikasan mula sa kontaminasyon dulot ng COVID-19.