Patuloy pa rin ang maaliwalas at maalinsangang panahon sa bahagi ng Luzon kasama na diyan ang Metro Manila bunsod ng isolated rain showers at localized thunderstorm.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Raymond Ordinario, mataas pa rin ang antas ng temperatura ngayong araw kaya huwag kalilimutang uminom ng tubig at laging magdala ng payong bilang panangga sa matinding sikat ng araw at para maiwasan ang dehydration.
Asahan naman ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Visayas at Mindanao.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24 hanggang 34 degrees celsius habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:26 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:20 ng hapon.