Itinaas muli sa yellow alert ang Luzon grid dahil pa rin sa manipis na reserba ng kuryente.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), meron lamang available capacity na 12,034megawatts para sa Luzon habang nasa 11,112megawatts ang peak demand.
Iiral ang yellow alert mula ala-1 hanggang mamayang alas-3 ng hapon.
Wala naman inaasahang rotational brownout dahil sa yellow alert maliban na lamang kung may iba pang papalyang planta.