Sumalang na sa pagdinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon na humihiling na imbestigahan ang sobra sobrang singil ng Grab Philippines
Ito’y matapos humingi ng paglilinaw si Atty Ariel Inton, Pangulo ng Lawyers for Consumers Safety and Protection sa LTFRB.
Partikular na tinukoy ni Inton ay ang surge bill ng grab app na hindi malinaw kung sa anong pagkakataon dapat ipinatutupad.
Maliban dito, marami rin ang iba’t ibang bayarin na nakapaloob sa pasahe sa grab kabilang dito ang distansya, oras at fair adjustment maliban sa base fair na meron pa ang grab.
Sa pagdinig, sinita ng mga miyembro ng board ng LTFRB ang mga kinatawan ng grab Philippines sa pagpapatupad ng mga dagdag bayarin sa pasahe.
Dumipensa naman ang grab na ginagawa nila ang taas pasahe upang maiwasan ang mga maiikling biyahe.
Paliwanag naman ni Atty Inton, sakaling mapatunayan na sumobra ang paniningil ng grab ay dapat patawan ng limang libong piso sa bawat overcharge na pasahe ng mga pasahero.
Kasunod nito, itinakda na sa December 13 ang susunod na pagdinig ng LTFRB para sa grab.
previous post