Home NATIONAL NEWS Bentahan ng bente pesos kada kilo na bigas, suspendido muna ngayong araw, ayon sa pamahalaan

LRT-2 ops pansamantalang sinuspinde

by DWIZ 882 October 3, 2019 0 comment
LRT 2

Sinuspinde ang byahe ng Light Rail Transit Line-2 (LRT-2).

Ayon sa abiso ng LRT-2, 11:24 a.m. nang pansamantalang suspindihin ang operasyon ng mga tren dahil sa nasunog na power rectifier malapit sa bahagi ng Katipunan Station.

Dahil dito, sinabi ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesperson Hernando Cabrera na nawalan ng power supply ang iba pang LRT stations.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng LRT-2 sa mga apektadong pasahero.

Inaasahang kaagad maibabalik ang biyahe mula Cubao Station patungong Recto Station at pabalik.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment