Patuloy na nagpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon ang binabantayang low pressure area (LPA) ng PAGASA.
Ayon sa weather bureau, namataan ang naturang sama ng panahon na nasa layong 215 kilometro hilagang kanluran ng Iba, Zambales.
Dagdag pa ng PAGASA, malaki ang tsansang maging tropical depression ang binabantayang sama ng panahon subalit mabilis din itong matutunaw sa bahagi ng west philippine sea susunod na beinte kuwatro oras.
Samantala, isang frontal system naman ang naka-aapekto sa dulong hilagang luzon na nagdudulot din ng mga pag-ulan.
Kaya naman pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente sa malaking bahagi ng Luzon na apektado ng mga pag-ulan na gawin ang ibayong pag-iingat sa biglaang pagbaha at pagguho ng lupa.