By passed nang maituturing si Environment Secretary Gina Lopez kung walang magiging partikular na aksyon ang Committee on Environment ng Commission on Appointments (CA) hanggang Miyerkules, March 15.
Ayon ito kay Congressman Josephine Ramirez-Sato, miyembro ng komite matapos isagawa noong isang linggo ang marathon hearing sa kumpirmasyon ni Lopez.
Ipinabatid sa DWIZ ni Sato na magkakaroon sila ng executive session bukas kung kailan pag-uusapan ang isyu ng kumpirmasyon ng kalihim ng DENR o Department of Environment and Natural Resources.
“Hindi ko lang alam kung anong mangyayari sa session namin, whether we will vote on her confirmation or hindi, hindi ko masabi but kung hindi kami makaakto before Wednesday which is the last day of our session before we go on break, kung wala kaming action diyan ay she’s technically by passed.” Pahayag ni Sato
By Judith Larino | Karambola (Interview)