50% ng mga pasyenteng na-ospital dahil sa COVID-19 ang nakaranas ng long haul effect ng sakit o ‘long COVID’.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa, ang mga indibidwal na tinamaan ng naturang sakit ay patuloy na nakararanas ng inflammation sa utak, puso at baga kahit nakarekober na sa COVID-19.
Nilinaw naman ni Herbosa na hindi na makakapanghawa ang mga nakarekober na sa COVID-19 kahit na nagpapakita ito ng sintomas ng sakit.
Ilan sa mga sintomas ng ‘long covid’ ay ang ”brain fog’ kung saan ang isang indibidwal ay hindi makapag-isip ng maayos tulad ng dati, at fatigue, partikular na sa mga atleta.
Kung nakararanas ng naturang mga sintomas, sinabi ni Herbosa na dapat na patuloy na kumonsulta sa doktor.