Papalo sa halos 10mbps o megabits per second ang bilis ng libreng WIFI na uubrang magamit ng commuters at mga motorista sa EDSA.
Ipinabatid ito ni DICT Undersecretary for Special Operations Eliseo Rio, Jr., base na rin sa utos ni DICT Secretary Rodolfo Salalima na hindi dapat bumaba sa dalawang digit ang dapat na bilis ng free WIFI sa EDSA.
Kasabay nito, hinimok ni Rio ang publiko na magreklamo sa DICT sakaling bumaba sa 10mbps ang internet speed na nararanasang WIFI sa EDSA.
Magugunitang noong mismong ‘Araw ng Kalayaan’ inilunsad ng DICT ang public WIFI service kung saan ang access points ay lahat ng MRT stations.
By Judith Larino