Tuluyan nang nagtapos ang Libreng Sakay ng MRT-3, kahapon matapos ang tatlong buwan.
Ilang pasahero naman ang nagpasalamat sa pamunuan ng MRT-3, kabilang ang isang masayang commuter na nag-iwan ng liham sa isa sa mga tren.
Sa mensahe ng naturang mananakay, pinasalamatan nito ang mga nasa likod ng libreng sakay ng MRT-3 at iba pang transport vehicles, kabilan ang mga bumibyahe sa Novaliches, Quezon City.
Sinagot naman ito ng MRT-3 management sa pagsasabing makatitiyak ang publiko sa mas maayos na serbisyo.
Bukod sa free ride, nagtapos na rin ang libreng antigen service ng MRT-3 para sa mga commuter.