Kabi-kabila ang kilos protesta ng iba’t ibang grupo sa paggunita ng ika-46 na anibersaryo ng deklarasyon ng martial law.
Nakiisa sa protesta at maagang nagtipon sa Elliptical Road sa Quezon City ang mga magsasaka mula sa iba’t ibang lalawigan.
Sa University of the Philippines (UP) Diliman naman, nagdaos din ng programa kontra martial law ang mga estudyante at guro.
Libu-libo katao ang nagprotesta sa Luneta para kundenahin ang deklarsyon nuon ng batas militar sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.
Ayon sa organizers, alas sais ng gabi kagabi, aabot sa 15,000 katao ang nakilahok sa kanilang programa na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng bansa.
Pero sa tala ng Philippine National Police (PNP), aabot lamang sa 3,000 ang mga nagprotesta kahapon.