Hinikayat ni Senador Loren Legarda ang pamahalaan na tumalima sa ipinalabas na writ of kalikasan ng Korte Suprema.
Layon nitong maproteksyunan ang marine environment sa exclusive economic zone ng bansa sa West Philippine Sea.
Ayon kay Legarda, Chair ng Senate Committee on Foreign Relations and Climate Change, ang pag protekta sa yamang dagat ay hindi lamang usapin sa teritoryo bagkus ay nagkakaisang responsibilidad ito para ma preserba at masiguro ang maayos na paggamit sa ating marine resources.
Nanatili naman aniya ang diplomasya bilang pangunahing paraan para maresolba ang usapin sa West Philippine Sea.