Sabi nga nila, iba ang nagagawa ng pera sa isang tao. Maaaring mapaganda nito ang kanilang buhay, o pwede ring ito ang makasira. Katulad na lang ng isang magkasintahan sa Canada na nauwi sa korte nang dahil lang sa pera na napanalunan nila sa lotto. Ang babae kasi, iniwan ang kaniyang boyfriend at itinakbo umano ang premyo kasama ang ibang lalaki.
Pero kanino nga ba talaga dapat mapunta ang pera? Alamin.
Taong 2024 nang bumili ng lottery ticket si Lawrence Campbell mula sa Winnipeg, Canada para pagbigyan at gawin itong birthday gift para sa kaniyang ex-girlfriend na si Krystal Ann Mckay.
Nang hindi inaasahang nanalo ang itinayang ticket, panandaliang nagkaroon ng problema si Lawrence kung paano ice-claim ang premyong 5 million Canadian dollars o mahigit 200 million pesos dahil wala itong valid ID at bank account.
Ang payo ng mga opisyal ng Western Canada Lottery Corporation (WCLC) kay Lawrence, ipakuha na lang ang cash prize sa sinuman na pinagkakatiwalaan nito.
Bilang binili ng lalaki ang ticket para kay Krystal at isa’t kalahating taon na umano silang nasa isang loyal, committed, promising, romantic partnership, pumayag si Lawrence na i-deposit ang pera sa bank account nito.
Pero hindi nagtagal, matapos i-claim ang limpak-limpak na salapi, bigla na lang ghinost ni Krystal si Lawrence at naghain pa ng protection order. Nang magtagpuan siya ng dating nobyo, nakita umano siya nito sa kama kasama ang ibang lalaki.
Samantala, nagsampa na si Lawrence ng kaso laban kay Krystal na siya namang tumanggi sa mga ibinibintang sa kaniya. Bukod sa ex-girlfriend, dawit din ang lottery company sa kaso dahil umano sa palpak na pagbibigay nito ng advice pagdating sa pagce-claim ng premyo.
Sa mga may partner diyan, ganoon na ba kataas ang kumpyansa mo sa partner mo para ipagkatiwala rito ang pera mo kahit na hindi pa kayo kasal?



