Kaniya-kaniya na talaga ng paraan ang mga mandurugas ngayon para lang makakulimbat ng easy money. Katulad na lang ng mga scammers na ito sa China na binentahan ang isang lalaki ng gym membership na kung saan ay kikita rin daw siya ng pera.
Kung anong modus ang ginamit sa kawawang lalaki, eto.
Tatlong taon nang parokyano ang Chinese man na tinawag na si Mr. Jin sa Ranyan Fitness Gym. Dahil matagal nang suki, in-offer-an ito ng gym membership na isa ring possible sideline para sa lalaki.
Ayon mismo kay Mr. Jin, nagkakahalaga ng 8,888 yuan o mahigit 70,000 pesos ang membership card sa nasabing gym.
Sinabi umano ng salesperson na kapag naibenta nila ang gym membership card ni Jin sa ibang customer sa halagang 16,666 yuan o mahigit 132,000 pesos ay matatanggap ni Jin ang bayad bukod sa 10% commission na parte ng gym.
Bukod pa rito, may iba pa umanong promo ang gym kung saan ipinangako na mas malaki pa ang kikitain ni Mr. Jin. Ang gym memberships sa nasabing gym, lumalabas na isang investemnt.
Nangako rin ang Ranyan Fitness Gym na kapag hindi nila naibenta ang gym card ni Mr. Jin sa loob ng dalawang buwan ay makakatanggap ito ng refund.
Sa huli, nagbayad ang lalaki ng 130,000 yuan o mahigit 1 million pesos para sa gym memberships para sa 1,200 sessions ng fitness classes at 300 years of gym memberships.
Pero nang dumating ang araw na dapat ay makakatanggap na ng refund si Mr. Jin, naglaho na lang na parang bula ang mga tauhan ng Ranyan tangay ang kaniyang pera.
Sa kasamaang palad, huli na nang madiskubre na ang nakasaad pala pinirmahan palang mga kontrata ni Mr. Jin ay non-transferable ang mga binayaran nitong gym memberships at benefits.
Samantala, umaasa pa rin si Mr. Jin na maibalik sa kaniya ang ininvest niyang pera kung kaya nagsampa na ito ng kaso laban sa mga mambubudol.
Sa mga gym rat diyan, ingat-ingat sa pagpirma sa mga kontrata at baka mapilitan kayong mabuhay ng mahigit isandaang taon para lang masulit niyo ang binayaran niyong gym membership.