Prior coordination.”
Ito ang panawagan ni MMDA Chairman Benhur Abalos Jr., sa mga organizer ng mga community pantry sa iba’t-ibang lugar sa National Capital Region (NCR).
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Abalos na kailangan ang naturang hakbang para maiwasan ang pagkakaroon ng paglabag sa umiiral na health at quarantine protocols.
Mababatid kasi na sa ilalim ng umiiral na modified enhanced community quarantine (MGCQ) ay ipinagbabawal pa rin ang mass gatherings para maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
Paliwanag ni Abalos na batid niya ang hangarin ng mga community pantry na makatulong sa kapwa pilipino ngayong may pandemya.
Pero giit nito na sa pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ay matitiyak na magkakaroon ng maayos at sistematikong paraan ng pamamahagi ng tulong at higit sa lahat ay sa ligtas na pamamaraan.
‘Yun nga ang hinihingi, prior coordination, ito’y para sa lahat kasi talagang napakaganda ng ginagawa nila, ito ay talagang nagbibigay. Pero maganda din naman siguro na walang magkakasakit, siguro importante sa ngayon ‘yon,” ani Abalos.