Suspendido ang operasyon ng konsulado ng bansa sa Macau Special Administrative Region (SAR) dahil sa bagyong Kompasu.
Kasunod na rin ito ng anunsyo ng gobyerno ng Macau hinggil sa typhoon signal number 8 ng bagyong Kompasu dahilan sa pag iral din ng blue storm surge warning sa rehiyon.
Pinaalalahanan ng konsulado ang mga Pinoy sa Macau na manatiling naka monitor sa lagay ng panahon sa smg Official Webpage at ihanda ang fully charged celfon at go bag na naglalaman ng damit, pagkain, mga gamot, tubig at iba pang essentials.
Para sa emergency situations, maaaring tumawag sa Macau emergency hotline 999 o sa hotline ng konsulado na +853 6698 1900.