Nasa 80% nang tapos ang konstruksiyon sa bagong ospital sa Maynila.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Maynila, makukumpleto na sa may 2022 ang Ospital ng Maynila kung saan, minor works na lamang ang tinatapos gaya ng mga inner areas at mga silid.
Nabatid na ang lugar na pinagtayuan ng bagong ospital ay dati lamang tambakan ng mga basura bago magpasya ang Manila LGUs na gawin itong pagamutan.
Ang bagong pagamutan ay mayroong 384-bed capacity kabilang na ang 30 emergency at fully airconditioned room, 12 intensive care units at 20 private rooms.
Ito din ay isa sa anim na ospital na nag-aalok ng libre at de kalidad na serbisyong medikal sa mga residente ng lungsod. – sa panulat ni Angelica Doctolero