Ibinasura ng Pilipinas ang inilatag na kondisyon ng China para pumayag na simulan agad ang bilateral talks sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., iginigiit ng China na huwag munang pag-usapan sa bilateral talks ang hinggil sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration na pumabor sa Pilipinas.
Napag-alamang nakausap ni Yasay ang kanyang Chinese counterpart matapos ang Summit of Asian and European Leaders sa Mongolia.
Sinabi ni Yasay na binigyang diin niya sa China na prayoridad ngayon ng Pililpinas na igiit ang karapatan ng mga mangingisdang Pilipino na makapangisda sa Scarborough Shoal at susunod na lamang ang implementasyon ng iba pang nilalaman ng desisyon ng PCA.
By Len Aguirre