Naunsyami ang paglagda sana ng PDP-Laban at Liberal Party (LP) ng kanilang coalition agreement sa araw na ito.
Ayon kay Ilocos Norte Congressman Rodolfo Fariñas, hindi pa desidido ang LP na makipag-koalisyon sa kanila kayat kinansela na nila ang pulong.
Sinabi ni Fariñas na ginawa na nila ang lahat upang mapagbigyan ang lahat ng kahilingan ng LP subalit tila urong sulong pa rin at hindi makapagdesisyon ang partido sa pangunguna ni Cong. Feliciano Belmonte.
Una anyang napagkasunduan ang pagpirma ng coalition agreement noong June 7 subalit umurong rin ang LP.
By Len Aguirre