Nilagdaan na ng national government at pribadong sektor ang tripartite deal ng American BioNTechnology company na Moderna para sa pagkuha ng COVID-19 vaccine doses.
Sa ilalim ng agreement, halos 20 milyong doses ng bakuna ang makukuha ng Pilipinas na pinirmahan nina Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. At Private Sector Rep. Enrique Razon.
Sa nasabing 20 milyong doses, pitong milyon ang ilalaan para sa pribadong sektor.
Gayunpaman, hindi pa naiisyuhan ng Emergency Use Authorization ang bakunang mula sa Bharat Biotech ng Food and Drug Administration.
Sa ngayon, nasa 600k doses ng Sinovac at 500K doses ng bakuna ang mayroon ang Pilipinas para sa vaccination drive na magsisimula ngayong buwan.— sa panulat ni Rashid Locsin