Kinikilala ng House prosecution panel ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na wala siyang intensyong takasan ang batas at gagamitin niya ang mga legal na remedyo na maaari niyang magamit.
Ito ang sinabi ni House Prosecutor Terry Ridon na hindi dapat pangunahan ang anumang prosesong kinakaharap ni VP Sara.
Ayon kay Ridon, ang pag-iisyu ng warrant ay hindi pa patunay na may kasalanan ang pangalawang pangulo kundi magkakaroon si VP Sara ng pagkakataon para iharap ang kaniyang depensa sa tamang hukuman.
Binigyang-diin din ni Ridon na hiwalay na prosesong konstitusyonal ang impeachment proceedings para sa pananagutan.
Bukod pa dito, dapat aniyang hayaang gampanan ng mga korte at ng Senate Impeachment Court ang kanilang tungkulin.
Samantala, tiniyak ng prosecution na ipagpapatuloy nito ang pag-usig sa impeachment case tungo sa pagkamit ng katotohanan at pananagutan.| via Geli Mendez (Patrol 30)

