Posibleng bumaba pa sa 5,000 hanggang 6,000 ang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng Oktubre.
Sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na patuloy ang pagbuti ng mga datos sa COVID-19 nitong mga nakalipas na araw dahil hindi na umaabot sa 10,000 ang bilang ng mga bagong kaso.
Gayunman, posible pa rin naman aniyang umabot ng hanggang 10,000 ang maitatalang kaso ngunit ito’y dahil sa backlog at aniya’y pansamantala lamang.
Sa ngayon ay nasa 0.64 ang reproduction number ng COVID-19 sa buong bansa habang ang seven-day average cases ay nasa 8,400 na lamang.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico