Tiniyak ni Akbayan Partylist Representative Chel Diokno na makikinabang ang lahat ng mga Pilipinong estudyanteng mag-i-intern sa pinaplantsang panukalang batas na Intern’s Rights and Welfare Bill.
Sa ilalim ng binubuong panukala, target na mabigyan ng 75 percent ng salary grade 1 ang mga estudyanteng mag-i-intern sa pamahalaan; habang 75 percent ng regional minimum wage ang para sa mga mag-i-intern sa private sector.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Rep. Diokno na bukas sila sa mga suhestyon upang mas mapaganda pa ang idina-draft na panukala.
Pinaplano na rin aniya nila kung magkano ang dapat na ipasahod sa mga intern tuwing holiday.