Natatakot ang mga mangingisdang Pilipino na pumalaot sa Kalayaan Island dahil sa presensya ng mga barko ng China.
Ipinabatid ito ni Rear Admiral Ramil Enriquez, commander ng Western Mindanao Command matapos makumpleto ang imbestigasyon sa umano’y harassment na naranasan ng isang mangingisdang Pinoy.
Ayon kay Enriquez, nasa kalayaan pa ang mga chinese vessels matapos ikutan ng isang eroplano ng Airforce ang lugar para mag patrolya at i-verify kung naruon pa ang mga dayuhang barko.
Malaya naman anyang nakakapangisda ang mga Pinoy fishermen at natatakot lamang ang mga ito dahil nasa sandbars area ang mga barko ng Chinese coastguard.
Una nang ipinasa ang isang batas sa China na nagbibigay ng go signal sa mga barko nitong paputukan ang makikitang dayuhang barko sa lugar.