Hiniling ng kampo ni Vice President Leni Robredo sa Korte Suprema na imbestigahan ang posibleng sabwatan nina dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. at Solicitor General Jose Calida sa Marcos Robredo election protest.
Sa inihaing urgent motion kinuwestyon ng legal team ni Robredo ang papel ni Calida bilang suporta kay Marcos sa pribadong kaso o pagpapa-inhibit nito kay Associate Justice Marvic Leonen sa kanyang election protest laban sa Bise Presidente.
Duda ang kampo ni Robredo sa anito’y timing ng naging hakbang nina Marcos at Calida na malabong aksidente lamang.
Una nang ibinasura ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) ang naturang mosyon nina Marcos at Calida at inatasan sina Calida at journalist na si Jomar Canlas na magpaliwanag kung bakit hindi sila ma-cite for contempt matapos mabanggit sa pleadings.