Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Kaligtasan ni Duterte tiniyak kahit kasama sa NPA hitlist

by DWIZ 882 December 18, 2019 0 comment
DUTERTE-1

Seryosong kinukunsider ng PSG Presidential Security Group ang pahayag ni National security adviser Hermogenes Esperon na kasama sa hitlist ng NPA ang Pangulong Rodrigo Duterte.

Tiniyak ni PSG Commander Brigadier General Jose Niembra ang kaligtasan ng Pangulo lalo nat hindi biro ang banta sa buhay nito at survival ng bansa ang nakasalalay dito.

Mahigpit aniya ang seguridad na pinaiiral ng PSG sa Pangulong Duterte.

Sinabi ni Niembra na hindi na bago sa kanila ang pagkakasama ng Pangulo sa NPA hitlist lalo nat malapit na ang anibersaryo ng NPA sa December 26 bukod sa araw-araw ay nakakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa banta sa seguridad ng Pangulo.

Ayon kay Niembra pinapayuhan nila ang Pangulo na mag ingat subalit hindi naman ito aniya sumusunod bagamat batid ng Pangulo ang kaniyang mga limitasyon.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment