MAS pinalawak pa ng Globe ang kanilang presensiya sa network sa Sarangani sa pamamagitan ng mahigit 40 cell sites na nagsisilbi na ngayon sa lalawigan —pinahuhusay ang connectivity sa mga pangunahing agricultural, coastal, at upland areas.
Nabatid na ang mas malawak na network coverage ay sumusuporta sa digital na mga pangangailangan ng mga residente, magsasaka, estudyante, at negosyante sa isa sa pinakamalakas ang ekonomiya na lalawigan sa Mindanao.
Sinasabing ang Sarangani ay isang mahalagang contributor sa agri-aqua economy ng Mindanao dahil nagkaloob ito ng impresibong 160 thousand metric tons ng mais noong 2024, napanatili ang output sa kabila ng mas kaunting lupa — salamat sa 11.8% na ani. Sinamahan ng masaganang aquaculture sa Glan, ito ang nagdadala sa lalawigan sa pagiging dual-engine powerhouse sa agri-aqua economy ng Mindanao.
Kahit ang coconut farming at aquaculture— lalo na ang hipon at bangus— ay patuloy na nagkakaloob ng kabuhayan sa libo-libong pamilya, ang paglago sa turismo, construction, at maliliit na negosyo ay nagbigay-diin din sa pangangailangan para sa mas maraming maaasahang digital infrastructure.
“There’s real momentum in Sarangani, and we want to make sure our network keeps pace with the community,” pahayag ni Al Siao, Network Technical Lead ng Globe.
“From remote barangays to tourist hotspots, we’re building a network that can support every facet of life in the province.”
“This isn’t just about signal bars—it’s about real impact,” dagdag pa ni Siao. “A student can now attend online classes, a mother can video-call her child abroad, and a fisherman can check prices, sell catch online. In tourism towns, stronger signal means local merchants can accept digital payments, promote their homestays or food stalls online, and serve visitors better—turning connectivity into real income for families. That’s the kind of everyday connection we’re enabling.”
Napag-alaman na sa SarBay 2025, ang Globe ay nag-deploy din ng kanilang Cellsite on Wheels (COW) sa Glan upang suportahan ang paglakas sa mobile activity, tinitiyak ang tuloy-tuloy na connectivity para sa libo-libong festival-goers, vendors, at local businesses.