Hindi na bago sa atin ang makarinig ng modus na kung saan ang mga customer ay hindi nagbabayad ng kanilang bill sa kahit anong uri pa ng establishment. Pero ang isang restaurant na ito sa England, na-maling akala! Paano ba naman kasi, inakusahan nito ang kanilang customer na hindi nagbayad. Ang plot twist, milyonaryo pala ang mga customer.
Kung ano ang kinahinatnan ng nasabing restaurant, eto.
Agad na ipinost ng restaurant na the Horse & Jockey Inn na matatagpuan sa the Peak District, England ang CCTV footage kung saan makikita ang kanilang customer na isang pamilya na nililisan ang kanilang establishment.
Napag-desisyunan ng restaurant na i-call out ang pamilya na ito dahil hindi umano nito binayaran ang kanilang $200 bill o may katumbas na 11,000 pesos.
Nang makarating ito sa pamilya Mcgirr, agad itong nagsampa ng kaso laban sa restaurant para linisin ang kanilang pangalan, lalo na at sigurado sila na sila ay inosente.
Matapos ang pangko-call out sa pamilya at ang legal action na ginawa ng mga ito laban sa kanila, napag-alaman na ang restaurant pala ang nagkamali.
Nagbayad pala ang pamilya gamit ang card ngunit nakalimutan ito ng kanilang staff.
Para mas palalain pa ang sitwasyon, milyonaryo at kilalang respetadong pamilya pala sa Omagh, Northern Ireland ang mga customer at nagmamay-ari ng Mcgirr Engineering na nagma-manufacture ng construction block machines.
Bagama’t nag-offer ang restaurant ng free meals at complimentary stay sa kanilang inn, hindi pa rin iniurong ng pamilya ang kaso laban sa defamatory accusations ng mga ito.
Sa huli, nagbayad ang the Horse & Jockey Inn ng $100,000 o may katumbas na 5.5 million pesos at humingi ng tawad sa inakusahan nilang pamilya.
Sa mga laging nagkakamali ng akala at mga mapanghusga diyan, kilalanin niyo muna kung sino ang binabangga niyo, at baka makasuhan din kayo at pagbayarin ng milyun-milyon.