Nanawagan sa mga mananampalataya ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity (CBCP-ECL) na ipagdasal ang mga taong nakakaranas ng mental health issues.
Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, chairman ng komisyon, mahalaga ang panalangin ng sambayanan upang mapawi ang problema sa kanilang kalusugang pangkaisipan.
Ipinagdiriwang tuwing ika-10 ng Oktubre ang World Mental Health Day upang matutukan at matulungan ang mga taong nakakaranas ng depresyon.
Sinasabing kung minsan ang pinakamalalang kaso ng depresyon ay humahantong sa pagpapakamatay o suicide.