Home NATIONAL NEWS Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68,000 in nine months, socialized housing grows 173% under Marcos’ Expanded 4PH

Isang OFW sa Canada patay matapos barilin ng magnanakaw

by DWIZ 882 December 25, 2015 0 comment

Hinagpis ang sumalubong sa pamilya ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) rito sa bansa ngayong Pasko, matapos mapatay ang kanilang kaanak sa Alberta, Canada nang mabaril ng magnanakaw.

Kinilala ang OFW na si Ricky Massin Cenabre, 41-years old na tubong Bohol.

Batay sa kuwento ng mga pulis, pinasok ng dalawang magnanakaw ang isang convenience store sa Alberta kung saan nagtatrabaho si Cenabre.

Napag-alaman din nila na nasa 20-years old ang mga suspek na inilarawan ng mga pulis na walang awang pumapatay.

Sa kwento naman ng kaibigan ni Cenabre, balak sanang kunin na ng nasabing OFW ang kanyang asawa, at anak mula sa Pilipinas para manirahan na ito sa Canada.

By Allan Francisco  

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment