Patung-patong na kaso ang ipinataw sa isang nurse mula sa Missouri, U.S.A. matapos nitong planuhin ang pagkamatay ng kaniyang mister para makasama na ang isang bilanggo na nakilala niya sa trabaho.
Kung anu-ano ang kaparusahang natanggap ng babae, eto.
Wala ng buhay nang matagpuan sa kanilang sunog na bahay sa Iberia ang noo’y 37-anyos na si Josh Murray matapos itong lasunin ng kaniyang misis na noo’y 46-anyos na si Amy Murray na siya ring nagsimula ng sunog.
Ayon sa korte at sa autopsy, nilason muna ng babae ang kaniyang mister gamit ang kemikal na antifreeze bago sinunog ang kanilang bahay para pagtakpan ang krimen.
Dahil dito, napatunayang guilty at nahatulan si Amy ng 12 taong pagkakakulong para sa kasong murder, 7 years para sa kasong arson, at 4 years para sa kasong tampering with evidence, ngunit mananatili pa rin itong inosente dahil sa alford plea.
Tatlong buwan matapos pumanaw ng kaniyang mister ay nakulong si Amy ngunit nadiskubre ng mga imbestigador na nakikipag-ugnayan pala ito sa isang inmate sa Jefferson City Correctional Center kung saan siya nagtatrabaho bilang isang nurse.
Hinihinalang mayroong relasyon si Amy sa inmate na kinilalang si Eugene Claypool na nasentensyahan ng 25 taong pagkakakulong dahil sa kasong pagpatay.
Ayon sa affidavit, napag-alaman sa recorded phone calls sa pagitan ng dalawa na makailang beses umanong nabanggit ni Amy na ayaw niyang makasama ang kaniyang asawa at maaari silang magpakasal ni Claypool dahil wala na ang kaniyang mister.
Samantala, nakapagpyansa si Amy ng $750,000 o nagkakahalaga ng mahigit 42 million pesos at hawak na ng county correctional facility habang naghihintay kung saan niya pagbabayaran ang kaniyang kasalanan.
Ikaw, anong masasabi mo sa mala-crime film na isinulat ng misis na ito sa ngalan ng pag-ibig na natagpuan niya sa bilangguan?