Isinusulong ng isang mambabatas ang pag-amiyenda sa Republic Act 9262 o anti-violence against women and their children at sa halip ay gawin itong anti-violence against partners and their children.
Batay sa inihaing house bill 4888 ni Rizal Representative Fidel Nograles, kanyang iginiit na dapat mabigyan din ng proteksyon ang mga mister na nakararanas din ng mga pang-aabuso.
Ayon kay Nograles, hindi lamang mga babae ang naaabuso kundi maging ang mga lalaking mister din pero pinipili na lamang aniyang manahimik dahil sa kawalan ng proteksyon mula sa batas.
Dagdag ni Nograles, dapat palawakin ang sakop ng RA 9363 at hindi lamang i-sentro sa mga kababaihan para na rin sa pantay na pagbibigay proteksyon sa karapatan ng bawat isa, maging lalaki o kasapi ng LGBTQ community.
Sakop din ng panukala ang electronic violence o pananakit ng damdamin ang paggagawa ng mga intriga gamit ang social media.